Magandang Araw,
Reynang Araw.
Ngayong Araw,
Ikaw ay Mangingibabaw..
Sa taglay mong init,
Ako'y naglalagkit...
Ang sinampay na damit,
Tuyo na agad sa tinding init..
Di pa ako kumikilos,
Pawis ay agad umaagos.
Pati kili-kili ko ay basa,
buti walang amoy na kasama..
Ang kwarto ay naging sauna,
Bintilador ay di kaya.
Ang aircon ay kulang pa,
Kuryente ay tumataas na..
Oh, Reynang Araw..
Tinding init ay araw-araw.
Kahit gabi na,
Ikaw ay umaariba..
Ano bang dapat gawin,
Para ikaw ay kalabanin..
Kahit anong inumin,
Ako ay uhaw pa rin..
Kahit maghalo-halo,
Tunaw kaagad ang yelo..
Naging sopas tuloy ito,
Kaya ako ay nahihilo..
Dahil sa tindi ng init mo'y
Masarap tuloy lumangoy..
Mga may-aring mayayaman,
tiba-tiba ulit sa kaperahan..
Sa init mong taglay sa'min,
Mas okay pa rin..
Dahil kung wala ka,
Paano na kami, oh aming Reyna
Kailangan ka ng halaman,
Kailangan ka ng sambayanan
Mahalaga ang init na taglay,
Para kami ay mabuhay..
Sa kabila ng kainitan,
Sa kabila ng kapawisan,
Sa kapangyarihang umaapaw,
Salamat pa rin, Reynang Araw..
No comments:
Post a Comment