April 28, 2012

"Plastic ni Juan Project" ng Eat Bulaga




"Plastic ni Juan" Project ng Eat Bulaga

         Nakakatuwang isipin na ang isang simple pero nakakatuwang segment ng Eat Bulaga, ang Juan for All, All for Juan ay magiging isa ring inspirasyon para sa ating mga Pilipino. Hindi lang inspirasyon kundi isang paraan para tayong lahat ay magkaisa na maging malinis at maayos ang ating kapaligiran.
          Ang Juan for All, All for Juan ay masasabi nating isa sa mga nakakatuwang segment sa ating paboritong noontime show, ang Eat Bulaga. Dito, ang Dabarkads natin na sina Jose, Wally at Paolo ay sumusugod mismo sa iba't ibang barangay sa Pilipinas na kung saan ay kasama rin nila ang Boom Boom Pow Boys (o ang Sugod Bahay Gang) na kinabibilangan nila Edong Tungkab, Boy Foundation, Boy Baha, Boy Alimuom atbp.
           Sa Broadway Studio ng Eat Bulaga naman ay dito bumubunot si Bossing Vic Sotto para tatawagan ang nanalong kabarangay. Pagkatapos kumpirmahin yung nanalo, sasabihin naman ni Bossing kina Jose kung saan ang address nito para puntahan nila at bigyan ng maraming papremyo. Masaya rin ang parteng ito na pagpunta nila Jose sa mismong bahay ng nanalo na kung saan ay di lang nila napapasaya ang nanalong kabarangay kundi naipapakita rin dito ang kagalingan nila Jose, wally at Paolo sa komedya na talagang kinaaaliwan ng lahat. Binibigyan nila ito ng mga ulam na mula sa Coca Cola at may kasama pang isang case ng Coke at P5000. At mula naman sa Eat Bulaga ay binibigyan naman nila ito ng mga iba't ibang papremyo tulad ng TV, mga appliances, Dining set at iba pa.
           Balik ulit sa Studio, si Idol Joey De Leon ang siya namang nagsasabi kung anong mga bagay na kanilang dadalhin bukod sa tatlo o higit pang bote ng plastic. Binibigyan nila ang mga kabarangay ng isang minuto para magsipagtakbo at tumuntong sa mga numero (mga 100 numero na nakalatag sa kalsada) dala yung mga bagay na pinapadala sa kanila. At apat sa mga nakatuntong sa numero ay maaaring manalo ng P10000 na binunot ni Bossing sa Studio. Pagkatapos niyan ay mayroon ding PNB o Pambato ng Barangay na kung saan pinapakita ay may mga talento sa pagkanta o pagsayaw na kung saan ay binibigyan din ng Eat Bulaga ng salapi.
            Ang mga bote ng plastic na dala naman ng mga kabarangay ay kokolektahin ng Eat Bulaga at dito ang pinakamagandang ginawa ng Eat Bulaga sa segment na ito na kung saan ang mga nakolektang mga plastic ay magiging mga silya para sa mga paaralan at ibibigay nila iyon sa mga classroom na nangangailngan nito. Dahil na rin sa programa ng Eat Bulaga na iyan, ang isang paaralan sa Valenzuela City, ang Canumay National High School, ay nag-ipon ng mga bote ng plastic na galing sa mga kabahayan ng mga estudyante ng paaralan na iyon para sila rin ay makatulong sa mga paaralan na kulang sa mga silya.
            Sa simpleng programa na ito ng Eat Bulaga, sana di lang sila ang may programang ganito. Sana ang ating gobyerno ay sumuporta sa proyektong ito PARA WALA NANG PAARALAN NA KULANG SA MGA SILYA...
   Nice job EAT BULAGA... :-)

1 comment:

  1. ang programang ito ay pinangungunahan ng mga simpleng tao sa loob ng programa ng Eat Bulaga... bakit kaya nilang magbayanihan? bakit hindi kaya ng gobyerno natin ang anitong simpleng gawain subalit napakalaking tulong ang maibigay sa mga nangangailangan? lubos-lubos ang pagpapasaya ng programa hindi lamang sa mga laro na hatid nila kundi sa mga tulong na rin na naipamimigay lalo na sa mga kabataan...mabuhay ka Eat Bulaga at salamat sa pagbigay pansin nito Juan for All...

    ReplyDelete

Share |