April 28, 2012

JOSE RIZAL (Movie Review)


I. PAMAGAT
JOSE RIZAL
I. MGA TAUHAN
·      CESAR MONTANO bilang Dr. Jose Rizal
     -ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na isang manggagamot, nobelista, makata, dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga institusyon. Sumulat ng dalawang nobela: Noli me Tangere at El Filibusterismo na kung saan ipinapakita dito ang kanyang mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Kastila at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang rebolusyon imbis na sa madugong labanan.

·      JOEL TORRE bilang Crisostomo Ibarra at Simoun
     -si Crisostomo Ibarra ay ang pangunahing tauhan ni Rizal sa nobelang Noli me Tangere”. Isang binatang Pilipino na nagtapos ng pag-aaral sa Europa at nagbalik sa Pilipinas. Samantala, si Simoun (palit anyo ni Ibarra) na may balbas at salamin. Bumalik sa Pilipinas bilang isang mangangalakal ng hiyas. Sa bandang huling bahagi ng Pelikula, isang kakaibang eksena ang naganap na kung saan si Simoun ay inuudyok si Rizal na magsulat bago pa man siya barilin sa Bagumbayan.

·         JAIME  FABRECAS bilang Luis Taviel de Andrade
     -isang opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala kay Rizal pero sa pagbabahagi ng buhay ni Rizal kay Taviel sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin at naging isang kaibigan.
     
·      GLORIA DIAZ bilang Donya Teodora Alonso
     -ang maybahay ni Don Francisco Mercado at ina ni Jose Rizal. Nagturo kay Rizal ng abakada sa edad na tatlong taon

·      RONNIE LAZARO bilang Don Francisco Mercado
            -ang ama ni Jose Rizal at asawa ni Donya Teodora Alonso

·      PEN MEDINA at PING MEDINA bilang Paciano Rizal
     -kapatid ni Rizal at pangalawang anak nina Teodora at Francisco Mercado. Ang nagpayo kay Rizal na mag-aral na lisanin ang bansa at mag-aral sa Espanya.

·      CHIN CHIN GUTIERREZ bilang Josephine Bracken
     -nobya ni Rizal sa Dapitan. Isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong.

·      GARDO VERSOZA bilang Andres Bonifacio
     -“Ama ng Himagsikan” na isa sa mga nagtayo at naglunsad ng Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan or Katipunan. Pinili ang magkaroon ng isang rebolusyon para makamit ang kalayaan ng Pilipinas kaysa sa mapayapang paraan.
    
·      MARCO SISON bilang Pio Valenzuela
     -miyembro ng Katipunan na inutusan ni Bonifacio para bisitahin si Rizal sa Dapitan. Humingi siya ng opinion tungkol sa planong rebolusyon pero si Rizal ay tumanggi dito dahil mas pabor siya sa mapayapang paraan.

·         MICKEY FERRIOLS bilang Leonor Rivera
     -pinsang buo ni Rizal na kung saan nagkaroon sila ng lihim na relasyon.


  Sa Buong Pelikula


III. BUOD
“Mabuti pang mamatay para sa Bayan kaysa
mamatay ng wala man lang nagawa para sa kinabukasan nito…”
                         
      Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay maituturing na isa sa mga pinakadakilang tao na isinilang sa mundo. Nabuhay siya sa loob ng talumpu’t limang taon, ikadalawampu’t pito ay nalibot na ang daigdig at naging isang manggagamot, nobelista, makata, dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga institusyon. Ipinanganak sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Ang ikapitong anak nina Don Francisco Mercado at ng asawa nitong si Donya Teodora Alonso.

      Ang pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Saklaw nito ang kanyang buhay mula sa pagkabata hanggang sa siya ay litisin, hatulang barilin sa Bagumbayan at mamatay sa kamay ng mga Kastila. Ipinapakita rin dito ang kanyang malawak na imahinasyon: ang kanyang dalawang nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo na kung saan ipinapakita dito ang kanyang mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Kastila, gisingin ang mundo sa pang-aabuso ng pamahalaan ng Espanya at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang paraan imbis na sa madugong labanan.
     
      Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo na naging daan para mabuhay ang puso ng mga Pilipino upang maghimagsik at makamit ang inaasam na kalayaan ng Pilipinas laban sa pamahalaan ng Espanya. Inilahad dito ang kanyang mithiin na kapayapaan para sa mga Pilipino Dahil sa mga nobelang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pinuno ng rebolusyon. Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para umamin na si Rizal ay may kinalaman sa nasabing rebelasyon.
     
      Nobyembre 1896 ay nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Sa kulungan ay may isang alipin o tagasilbi na nakakakuwentuhan niya ng kanyang buhay.  Ginunita niya ang kanyang kabataan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martir na GOMBURZA (Gomez, Burgos at Zamora), ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina, ang pagpapalit ng apelyidong Mercado sa Rizal, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang ina.
     
      Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abugado niya. Si Taviel ay isang opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala sa kanya. Pero sa pagbabahagi ng buhay ni Rizal sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin si Rizal at napagtanto na ito’y hindi lang isang inosente sa kaso kundi isang kahanga-hangang nilalang at dahil doon ay nagdesisyong siya na ibibigay ang lahat para maipagtanggol ito sa paglilitis. Naikwento ni Rizal dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan ay kumuha siya ng kursong medicina, ang labis na diskriminasyon sa mga estudyanteng Pilipino doon, at ang pag-iibigan nila ni Leonor Rivera na kanyang pinsan at kasintahan.
     
      Marami napag-usapan sina Rizal at Taviel. Isa na rito ang mga kinalaban ni Rizal. Ayon kay Taviel, ang kinalaban ng nobela ni Rizal ay ang gobyerno at relihiyon ng Espanya. Kinatwiran ni Rizal na bilang isang manunulat, kalaban niya ang lahat pati ang sarili niya. Lahat ng bagay na naisulat niya ay pawang sa katotohanan lang, sa mga bagay na naisulat niya ay matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan. Ikalawa ay ang nais iparating ni Rizal sa Espanya. Hinihiling lamang ng mga Pilipino ay ang pagkakapantay-pantay at makilala ang Pilipino bilang kapantay ng Kastila. Ikatlo ay ang pagpunta ni Rizal sa Europa. Nagtataka si Taviel bakit nagawang iwan ni Rizal si Leonor? Anong layunin ang mas matimbang pa kaysa pagmamahal sa kasintahan? Pinapunta siya ng kanyang kuya Paciano upang mag-aral doon ng medicina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo siya at malaya niyang maisusulat ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan.
     
      Naikwento rin niya ang pagpasok sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Dito ay nag-aral siya ng medicina. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda na isang organisasyon na naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino katulad ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel Hidalgo. Sa pamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan, naipaparating nila ang kanilang mga adhikain. Enero ng taong 1891 nang nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan ng maisipan na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikan ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La Solidaridad ay dapat pambansa.

      Pagbalik sa Pilipinas, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Ito’y isang pansibikong samahan ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala niya si Andres Bonifacio. Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang samahan na kumakalaban sa Espanya ang La Liga Filipina. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito, kababalik palang ni Rizal sa Pilipinas ay ipinahuli na siya at ipinatapon sa isang malayong lugar, sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang-kanluran ng Mindanao.  Sa lugar na iyon ay nakilala niya ang pag-ibig ng kanyang buhay na si Josephine Bracken, isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong, na kung saan ay nagkaroon sila ng anak pero namatay din ng ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga prayle na siya ay mamatay.
     
      Umabot na sa pagpapalit sa bagong Gobernador-heneral ng Pilipinas dahil na rin sa isyung naging malapit si Gob. Heneral Blanco kay Rizal. Noong ika-26 ng Disyembre, 1896, ginanap ang araw ng paglilitis ni Rizal. Sa panig ng mang-uusig, pinagbibintangan si Rizal bilang pasimuno ng pag-aalsa, at dahil din sa mga isinulat niya na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at pamahalaang Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan.
     
      Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat patakbuhin ang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para sa mga Pilipino ang nais niya. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng rebolusyon. Sa katunayan, sa paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya nagsulat ng mga bagay na may koneksyon sa pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang ikonsulta at yayaing sumama siya sa rebolusyon, si Rizal ay hindi pumayag sa nasabing balak na pag-aalsa. At sa huli, sa pahintulot na magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon.
     
      Pero sa kabila ng pagtatanggol na ginawa ni Taviel kay Rizal, wala na siyang magagawa ukol sa tadhanang nito. Ang paglilitis ay isa lang panloloko Si Rizal ay nakatakdang barilin sa ika-30 ng Disyembre, 1896. Sa kinahinatnan ng kaso, si Taviel ay nasaktan at naiinis kung bakit siya ay naging isang Kastila pa. Dahil sa hatol, binisita si Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Binigay niya ang kanyang huling kahilingan sa ina at ang isang lampara na may laman ng kanyang huling tula, ang Mi Ultimo Adios (o Huling Pahimakas).
     
      Ika-30 ng Disyembre, 1896 ay ang nakatakdang Araw ng Kamatayan ni Rizal. Ang huling kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinayagan. Ang mga Kastila ay gusto siyang barilin sa likod tulad ng isang traydor. Nang siya ay pinagbabaril na, naisipan niyang humarap ng kaunti para sa pagbasak niya sa lupa ay nakaharap siya sa kalangitan. Sa pagkakamatay ni Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas, naideklarang Pambansang Bayani si Dr. Jose P. Rizal.

IV. REAKSYON  
A.      Sa Mga Tauhan
Masasabi ko na ang mga artistanmg nagsipagganap dito ay talagang piling-pili at mahuhusay. Ginampanan nila ang kanilang mga papel para lumabas ang katauhan ng mga karakter na kanilang ginagampanan. Sa bawat diyalogo ay makikitang napakahusay ang pag-arte ng mga artista. Akma ang mga galaw at emosyon ng mga artista. Mahusay ang kanilang interpretasyon. At talagang dapat silang papuriha dahil na rin sa mga gantimpala na kanilang nakamit. Tulad na lang ni Cesar montano na gumanap bilang si Jose Rizal ay nakatanggap ng Best Actor awards sa iba’t ibang award-giving bodies mula sa Metro Manila Film Festival, FAMAS Awards, Gawad Urian, Star Awards for Movies, at iba pa. Kahanga-hanga si Cesar Montano dahil sa mabuti niyang pagganap at sa pagsasalita ng wikang Espanyol, Aleman at iba pa, na alam naman natin na si Rizal ay isang dalubwika at doon ay mahusay din niyang nagampanan.

Ang pelikulang ito ay maituturing na isang parada ng mga magagaling namga actor at actress. Dahil na rin sa makatotohanang pagganap nina Peque Gallaga (bilang Arsobispo Nozaleda), Jaime Fabregas (bilang Taviel, abogado ni Rizal), Pen Medina (bilang Paciano Rizal), Gardo Versoza (bilang Andres Bonifacio) at ng iba pa kahit na maliit lang papel (Fritz Infante, Joel Lamangan, Gina Alajar, Tanya Gomez, Irma Adlawan, Olga Natividad, atbp.) ay tumingkad din.

B.                          Sa Teknikal na Aspeto
Sa bahagi naman na ito, masasabi ko na maganda ang mga background na angkop sa bawat eksena, piling mo ay nasa panahon ka ng Kastila. Simula sa umpisa hanggang sa mga huling eksena ay maayos ang mga kuha sa kamera ay malinaw at hindi malabo. Naaayon ang bawat musika sa bawat tagpo at eksena sa pelikula. Sa mga eksenang malungkot ay malulungkot rin ang musika. Sa digital effects naman ng pelikula, ang mga gamu-gamo sa kuwento ni Teodora Alonso, ang “rekonstruksyon” ng mga lumang gusali, ang landscape ng Bagumbayan ay kahanga-hanga.  Epektibo rin ang paggamit ng black and white para sa mga eksenang mula sa mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo.

Mahusay din ang gumawa ng mga iskrip na sina Ricky Lee, Jun Lana at Peter Ong Lim. Napakahirap na trabaho ang epektibong pagdurugtong-dugtong ng lahat ng mabibigat na detalye sa pelikula. Bukod diyan, karapat-dapat din nating bigyan ipagmalaki ang direktor na si Marilou Diaz-Abaya na may pinakamalaking naitulong sa tagumpay ng pelikulang ito. Sa paghandog niya ng kanyang talento para sa pelikula ay napaganda ang paghahandog ng mga diyalogo ng mga artista.

Kaya hindi rin kataka-taka na nanalo at nakatanggap din sila ng Best Editing, Cinematography, Sound, Production Design, Special Effects, Musical Score, Movie Theme Song sa Metro Manila Film Festival, FAMAS Awards, Gawad Urian, Star Awards for Movies.

C.                        

Ang Pelikulang Jose Rizal ay talagang isa sa mga pinakamaganda at kamangha-mangha at maituturing na isang obra maestra. Isang sining na makakatulong para sa mga mag-aaral para lalo pa nilang maintindihan ang buhay ng ating Pambansang Bayani. Ipinakita dito ang kanyang pagiging isang manggagamot, nobelista, makata, dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga institusyon. 

Ito rin ay makakatulong hindi lamang para sa mga mag-aaral na bahagi ng kanilang aralin sa Filipino at History, kundi para rin ito sa mga bata, kabataan at maging sa mga matatanda at mga dayuhan. Ang ilan sa kanila ay kilala lang si Dr. Jose Rizal sa piso, isang monumento sa Luneta, kalsada, probinsya, eskwelahan o unibersidad, at kurso sa kolehiya. Kaya nga ang pelikulang ito ay para mas lumawak ang kanilang kaalaman at kung sino nga ba talaga si Rizal. At imulat tayo sa kalgayan ng ating bansang Pilipinas noong panahon ng Kastila

Kahit na sa umpisa ay nalilito ako kung alin ang sa nobela ni Rizal at sa tunay na buhay niya at paulit-ulit ang pagbabalik tanaw sa buhay niya at kahanga-hanga sa kakaibang pagsasalaysay, binigyan ko pa rin ito ng 5 bituin dahil bukod sa magagaling na mga ngasipagganap at sa teknikal na aspeto, ay talagang pinagkagastusan ito. Ang isa sa mga pinakamahusay na eksena sa Pelikula ay ang paghaharap ni Rizal at Simoun sa bisperas ng kanyang kamatayan, na kakaiba at nagbibigay ng mahusay na koneksyon sa nobela at buhay ni Rizal. Humigit kumulang na Php 80 milyon ang inilaan para dito. Pero bawing-bawi naman sila dahil mahigit Php 136,7 milyon lang naman ang kanilang kinita. Bukod diyan, kahanga-hanga ang pelikulang ito dahil sa mga karangalan na nakamit at kasama na rin diyan ang Best Picture; (70 Local and International Awards): 16 mula sa 1998 Metro Manila Film Festival, 11 sa 199 FAMAS Awards, 6 sa 1999 Gawad Urian, 8 naman sa Star Awards for Movies at pasok din ito sa Berlin International Film Festival noong 1998 at sa Toronto Film Festivals na nanalong 2nd runner-up sa Audienmce awards.

Ipinapakita rin dito na kahit hindi mo ibuwis ang iyong buhay para sa bayan, ay maaari pa rin tayo na maging isang simpleng Jose Rizal na makakatulong sa ating bansa mula sa pagtulong sa kapwa, pagpupulot at paglilinis ng basura sa kalsada, pagsunod sa batas at kahit sa simpleng pagsusulat tungkol sa mga magagandang balita sa Pilipinas at ipinagmamalaki ang pagiging isang Pilipino.
  

38 comments:

  1. Replies
    1. Thank you for reviewing this very good Asian movie. You can read more reviews with the latest movies for you at https://cinemahdv2.net/reviews-movie-on-cinema-hd/

      Delete
  2. thanks for this!!!
    Its help much in my ass.

    ReplyDelete
  3. Thank God nakahanap din ako nito. :)) Thank you sa gumawa. It's a big help. ;D

    ReplyDelete
  4. pwede nyo po ba itong gawan ng banghay? thanks :)

    ReplyDelete
  5. ..thnx.nakatulong rin kahiot papaanu sa research hehe

    ReplyDelete
  6. Thanks for this ! mwaaaaaa:*

    ReplyDelete
  7. Domo Arigatou Guzaimasu :D

    ReplyDelete
  8. Pacopy po huh .. :D Thanks a lot .. ^____^v !!!

    ReplyDelete
  9. thank you its a big help..

    ReplyDelete
  10. salamat sa gumawa :)

    ReplyDelete
  11. thanks for this article. a big help for my assignment. (Y)

    ReplyDelete
  12. Thank You very much. It really helped me in doing my Reaction Paper. I will put citation na lang po. :) God bless. :D

    ReplyDelete
  13. maraming salamat ! npakalaki ng iyong naitulong sa amin!

    ReplyDelete
  14. Thank you so much....This is a big help to all students...God bless..

    ReplyDelete
  15. Thank you so much po... Its a big help to me esp sa buod and sa mga tauhan... Thank you so much... And pa copy rin po sana ng ibang Info's if okay lang po... Thank you so so so muvlch po...

    ReplyDelete
  16. Thank you po hehe. pocopy po ng ibang lines. thank you so much,malaking tulong po ito

    ReplyDelete
  17. thankyou po! nandito po yung hinahanap kong sagot sa aralin naman <3

    ReplyDelete
  18. dude you're awesome....

    ReplyDelete
  19. hi thank you so much po! it really helped my mom to her online test. God Bless!!

    ReplyDelete
  20. Ano po ang tagpuan ng pelikulang ito ?

    ReplyDelete
  21. big thnkyou sa gumawa neto,godbless po^

    ReplyDelete
  22. Ty, Ty, Ty need for reporting tomorrow thank you this have been here

    ReplyDelete

Share |