I. PAMAGAT
JOSE RIZAL
I. MGA TAUHAN
· CESAR MONTANO bilang Dr. Jose Rizal
-ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na isang manggagamot, nobelista, makata, dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga institusyon. Sumulat ng dalawang nobela: Noli me Tangere at El Filibusterismo na kung saan ipinapakita dito ang kanyang mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Kastila at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang rebolusyon imbis na sa madugong labanan.
· JOEL TORRE bilang Crisostomo Ibarra at Simoun
-si Crisostomo Ibarra ay ang pangunahing tauhan ni Rizal sa nobelang “Noli me Tangere”. Isang binatang Pilipino na nagtapos ng pag-aaral sa Europa at nagbalik sa Pilipinas. Samantala, si Simoun (palit anyo ni Ibarra) na may balbas at salamin. Bumalik sa Pilipinas bilang isang mangangalakal ng hiyas. Sa bandang huling bahagi ng Pelikula, isang kakaibang eksena ang naganap na kung saan si Simoun ay inuudyok si Rizal na magsulat bago pa man siya barilin sa Bagumbayan.
· JAIME FABRECAS bilang Luis Taviel de Andrade
-isang opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala kay Rizal pero sa pagbabahagi ng buhay ni Rizal kay Taviel sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin at naging isang kaibigan.
· GLORIA DIAZ bilang Donya Teodora Alonso
-ang maybahay ni Don Francisco Mercado at ina ni Jose Rizal. Nagturo kay Rizal ng abakada sa edad na tatlong taon
· RONNIE LAZARO bilang Don Francisco Mercado
-ang ama ni Jose Rizal at asawa ni Donya Teodora Alonso
· PEN MEDINA at PING MEDINA bilang Paciano Rizal
-kapatid ni Rizal at pangalawang anak nina Teodora at Francisco Mercado. Ang nagpayo kay Rizal na mag-aral na lisanin ang bansa at mag-aral sa Espanya.
· CHIN CHIN GUTIERREZ bilang Josephine Bracken
-nobya ni Rizal sa Dapitan. Isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong.
· GARDO VERSOZA bilang Andres Bonifacio
-“Ama ng Himagsikan” na isa sa mga nagtayo at naglunsad ng Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan or Katipunan. Pinili ang magkaroon ng isang rebolusyon para makamit ang kalayaan ng Pilipinas kaysa sa mapayapang paraan.
· MARCO SISON bilang Pio Valenzuela
-miyembro ng Katipunan na inutusan ni Bonifacio para bisitahin si Rizal sa Dapitan. Humingi siya ng opinion tungkol sa planong rebolusyon pero si Rizal ay tumanggi dito dahil mas pabor siya sa mapayapang paraan.
· MICKEY FERRIOLS bilang Leonor Rivera
-pinsang buo ni Rizal na kung saan nagkaroon sila ng lihim na relasyon.